×
الأنعامAyah 5

Tafsir Al-Mukhtasar

فَقَدْ كَذَّبُوا۟ بِٱلْحَقِّ لَمَّا جَآءَهُمْ ۖ فَسَوْفَ يَأْتِيهِمْ أَنۢبَـٰٓؤُا۟ مَا كَانُوا۟ بِهِۦ يَسْتَهْزِءُونَ ﴿٥﴾

Sila – kung umayaw sila sa mga katwirang naglilinaw at mga patotoong hayag na iyon – ay umayaw nga sa higit na maliwanag sapagkat nagpasinungaling nga sila sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na Qur'ān. Makikilala nila na ang dati nilang kinukutya kabilang sa inihatid niya sa kanila ay ang katotohanan kapag nakikita nila ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon.