×
الأنعامAyah 51

Tafsir Al-Mukhtasar

وَأَنذِرْ بِهِ ٱلَّذِينَ يَخَافُونَ أَن يُحْشَرُوٓا۟ إِلَىٰ رَبِّهِمْ ۙ لَيْسَ لَهُم مِّن دُونِهِۦ وَلِىٌّ وَلَا شَفِيعٌ لَّعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ ﴿٥١﴾

Magpangamba ka, O Sugo, sa pamamagitan ng Qur'ān na ito sa mga nangangamba na kakalapin sila tungo sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon – walang ukol sa kanila na isang katangkilik bukod pa kay Allāh na nagdudulot sa kanila ng pakinabang, ni isang mapagpamagitang mag-aalis sa kanila ng pinsala – nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ang mga ito ay ang mga nakikinabang sa Qur'ān.