×
الأنعامAyah 60

Tafsir Al-Mukhtasar

وَهُوَ ٱلَّذِى يَتَوَفَّىٰكُم بِٱلَّيْلِ وَيَعْلَمُ مَا جَرَحْتُم بِٱلنَّهَارِ ثُمَّ يَبْعَثُكُمْ فِيهِ لِيُقْضَىٰٓ أَجَلٌ مُّسَمًّى ۖ ثُمَّ إِلَيْهِ مَرْجِعُكُمْ ثُمَّ يُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمْ تَعْمَلُونَ ﴿٦٠﴾

Si Allāh ay ang kumukuha sa mga kaluluwa ninyo sa isang pagkuhang pansamantala sa sandali ng pagtulog. Siya ay ang nakaaalam sa nakamit ninyo na mga gawa sa maghapon sa oras ng aktibidad ninyo. Pagkatapos bumubuhay Siya sa inyo sa maghapon matapos ng pagkuha sa mga kaluluwa ninyo sa pagtulog upang magsagawa kayo ng mga gawain ninyo hanggang sa magwakas ang mga taning ng mga buhay ninyong naitakda sa ganang kay Allāh. Pagkatapos tungo sa Kanya lamang ang pagbabalik ninyo sa pamamagitan ng Pagbubuhay sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos magpapabatid Siya sa inyo hinggil sa dati ninyong ginagawa sa buhay ninyo sa Mundo. Gaganti Siya sa inyo roon.