Tafsir Al-Mukhtasar
وَهُوَ ٱلَّذِى خَلَقَ ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضَ بِٱلْحَقِّ ۖ وَيَوْمَ يَقُولُ كُن فَيَكُونُ ۚ قَوْلُهُ ٱلْحَقُّ ۚ وَلَهُ ٱلْمُلْكُ يَوْمَ يُنفَخُ فِى ٱلصُّورِ ۚ عَـٰلِمُ ٱلْغَيْبِ وَٱلشَّهَـٰدَةِ ۚ وَهُوَ ٱلْحَكِيمُ ٱلْخَبِيرُ ﴿٧٣﴾
Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang lumikha ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Sa araw na magsasabi Siya sa anuman na mangyari ay mangyayari ito. Kapag magsasabi Siya sa Araw ng Pagbangon na bumangon kayo ay babangon sila. Ang sabi Niya ay ang katapatan na magaganap nang walang pasubali. Sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – tanging sa Kanya, ang paghahari sa Araw ng Pagbangon kapag iihip si Anghel Isrāfīl sa sungay sa ikalawang pag-ihip. [Siya] ang Nakaaalam sa anumang nalingid at ang Nakaaalam sa anumang nasaksihan. Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya, ang Mapagbatid na walang nakakukubli sa Kanya na anuman kaya naman ang mga nakalihim sa mga bagay-bagay sa ganang Kanya ay gaya ng mga nakalantad sa mga ito.