×
الأنعامAyah 90

Tafsir Al-Mukhtasar

أُو۟لَـٰٓئِكَ ٱلَّذِينَ هَدَى ٱللَّهُ ۖ فَبِهُدَىٰهُمُ ٱقْتَدِهْ ۗ قُل لَّآ أَسْـَٔلُكُمْ عَلَيْهِ أَجْرًا ۖ إِنْ هُوَ إِلَّا ذِكْرَىٰ لِلْعَـٰلَمِينَ ﴿٩٠﴾

Ang mga propetang iyon at ang sinumang nabanggit kasama sa kanila kabilang sa mga ama nila, mga anak nila, at mga kapatid nila ay ang mga alagad ng kapatnubayan sa totohanan, kaya sumunod ka sa kanila at gumaya ka sa kanila. Sabihin mo, O Sugo, sa mga kalipi mo: "Hindi ako humihiling sa inyo dahil sa pagpapaabot ng Qur'ān ng isang ganti sapagkat ang Qur'ān ay walang iba kundi isang pangaral para sa mga nilalang na tao at jinn upang ipanggabay nila tungo sa landasing tuwid at daang tumpak.