Tafsir Al-Mukhtasar
وَهُوَ ٱلَّذِى جَعَلَ لَكُمُ ٱلنُّجُومَ لِتَهْتَدُوا۟ بِهَا فِى ظُلُمَـٰتِ ٱلْبَرِّ وَٱلْبَحْرِ ۗ قَدْ فَصَّلْنَا ٱلْـَٔايَـٰتِ لِقَوْمٍ يَعْلَمُونَ ﴿٩٧﴾
Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang lumikha para sa inyo, O mga anak ni Adan, ng mga bituin sa langit upang mapatnubayan kayo sa pamamagitan ng mga ito sa mga paglalakbay ninyo kapag nagpalito sa inyo ang mga daan sa katihan at dagat. Nilinaw nga Namin ang mga patunay at ang mga patotoong nagpapatunay sa kakayahan Namin para sa mga taong nagbubulay-bulay sa mga patunay at mga patotoo na iyon kaya makikinabang sila sa mga iyon.