×
الممتحنةAyah 13

Tafsir Al-Mukhtasar

يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ لَا تَتَوَلَّوْا۟ قَوْمًا غَضِبَ ٱللَّهُ عَلَيْهِمْ قَدْ يَئِسُوا۟ مِنَ ٱلْـَٔاخِرَةِ كَمَا يَئِسَ ٱلْكُفَّارُ مِنْ أَصْحَـٰبِ ٱلْقُبُورِ ﴿١٣﴾

O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, huwag kayong tumangkilik sa mga tao na nagalit si Allāh sa kanila, na hindi nakatitiyak sa Kabilang-buhay; bagkus sila ay mga nawawalan ng pag-asa sa Kabilang-buhay tulad ng kawalan ng pag-asa nila sa pagbabalik ng mga patay nila sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila sa pagbubuhay na muli.