×
الممتحنةAyah 2

Tafsir Al-Mukhtasar

إِن يَثْقَفُوكُمْ يَكُونُوا۟ لَكُمْ أَعْدَآءً وَيَبْسُطُوٓا۟ إِلَيْكُمْ أَيْدِيَهُمْ وَأَلْسِنَتَهُم بِٱلسُّوٓءِ وَوَدُّوا۟ لَوْ تَكْفُرُونَ ﴿٢﴾

Kung magwawagi sila sa inyo, maglalantad sila ng kinikimkim nila sa mga puso nila na pagkamuhi, mag-aabot sila ng mga kamay nila sa inyo sa pamamagitan ng pananakit at paghahagupit, magpapawala sila ng mga dila nila sa pamamagitan ng pang-iinsulto at panlalait, magmimithi sila na kung sana tumanggi kayong sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya upang kayo ay maging tulad nila.