×
الجمعةAyah 1

Tafsir Al-Mukhtasar

بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَـٰنِ ٱلرَّحِيمِ يُسَبِّحُ لِلَّهِ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَمَا فِى ٱلْأَرْضِ ٱلْمَلِكِ ٱلْقُدُّوسِ ٱلْعَزِيزِ ٱلْحَكِيمِ ﴿١﴾

Nagpapawalang-kaugnayan kay Allāh sa bawat anumang hindi nababagay sa Kanya kabilang sa mga katangian ng kakulangan at nagpapabanal sa Kanya ang lahat ng nasa mga langit at ang lahat ng nasa lupa na mga nilikha. Siya ay ang Haring namukod-tangi lamang sa paghahari, ang pinawalang-kaugnayan sa bawat kakulangan, ang Makapangyarihang walang dumadaig sa Kanya na isa man, ang Marunong sa paglikha Niya, batas Niya, at pagtatakda Niya.