Tafsir Al-Mukhtasar
ثُمَّ بَعَثْنَا مِنۢ بَعْدِهِم مُّوسَىٰ بِـَٔايَـٰتِنَآ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَإِي۟هِۦ فَظَلَمُوا۟ بِهَا ۖ فَٱنظُرْ كَيْفَ كَانَ عَـٰقِبَةُ ٱلْمُفْسِدِينَ ﴿١٠٣﴾
Pagkatapos nagsugo Kami, matapos ng mga sugong iyon, kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kalakip ng mga katwiran Namin at mga patunay Naming malinaw sa katapatan niya patungo kay Paraon at sa mga tao nito. Ngunit walang nangyari sa kanila maliban na nagkaila sila sa mga tandang ito at tumangging sumampalataya sa mga ito. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano naging ang kinahinatnan ni Paraon at ng mga tao nito sapagkat ipinahamak nga sila ni Allāh sa pamamagitan ng paglunod at pinasundan Niya sila ng sumpa sa Mundo at Kabilang-buhay.