×
الأعرافAyah 11

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَقَدْ خَلَقْنَـٰكُمْ ثُمَّ صَوَّرْنَـٰكُمْ ثُمَّ قُلْنَا لِلْمَلَـٰٓئِكَةِ ٱسْجُدُوا۟ لِـَٔادَمَ فَسَجَدُوٓا۟ إِلَّآ إِبْلِيسَ لَمْ يَكُن مِّنَ ٱلسَّـٰجِدِينَ ﴿١١﴾

Talaga ngang nagpaluwal Kami, O mga tao, sa ama ninyong si Adan. Pagkatapos nag-anyo Kami sa kanya sa pinakamagandang anyo at pinakamagandang paghuhubog. Pagkatapos nag-utos Kami sa mga anghel ng pagpapatirapa kay Adan bilang pagpaparangal sa kanya. Kaya sumunod sila at nagpatirapa sila maliban si Satanas; tumanggi ito na magpatirapa dala ng pagkamapagmalaki at pagmamatigas.