Tafsir Al-Mukhtasar
قَالَ فَٱهْبِطْ مِنْهَا فَمَا يَكُونُ لَكَ أَن تَتَكَبَّرَ فِيهَا فَٱخْرُجْ إِنَّكَ مِنَ ٱلصَّـٰغِرِينَ ﴿١٣﴾
Nagsabi si Allāh dito: "Lumapag ka mula sa Paraiso sapagkat hindi ukol sa iyo na magpakamalaki rito dahil ito ay tahanan ng mga kaaya-ayang dalisay kaya hindi ipinahihintulot sa iyo na ikaw ay maging nasa loob nito. Tunay na ikaw, O Satanas, ay kabilang sa mga kahamak-hamak na kaaba-aba, kahit pa ikaw ay nagtuturing sa sarili mo na ikaw ay higit na marangal kaysa kay Adan."