Tafsir Al-Mukhtasar
وَلَقَدْ أَخَذْنَآ ءَالَ فِرْعَوْنَ بِٱلسِّنِينَ وَنَقْصٍ مِّنَ ٱلثَّمَرَٰتِ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ ﴿١٣٠﴾
Talaga ngang nagparusa si Allāh sa angkan ni Paraon sa pamamagitan ng tagtuyot at kawalang-ulan at sumubok Siya sa kanila sa pamamagitan ng kabawasan sa mga bunga ng lupa at mga ani nito, sa pag-asang magsaalaala sila at mapangangaralan sila na ang anumang dumating sa kanila mula roon ay parusa lamang sa kanila dahil sa kawalang-pananampalataya nila para magbalik-loob sila sa Kanya.