×
الأعرافAyah 134

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَمَّا وَقَعَ عَلَيْهِمُ ٱلرِّجْزُ قَالُوا۟ يَـٰمُوسَى ٱدْعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِندَكَ ۖ لَئِن كَشَفْتَ عَنَّا ٱلرِّجْزَ لَنُؤْمِنَنَّ لَكَ وَلَنُرْسِلَنَّ مَعَكَ بَنِىٓ إِسْرَٰٓءِيلَ ﴿١٣٤﴾

Noong tumama sa kanila ang pagdurusa dahil sa mga bagay na ito ay bumaling sila kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at nagsabi sa kanya: "O Moises, manalangin ka para sa amin sa Panginoon mo sa pamamagitan ng ipinantangi Niya sa iyo na pagkapropeta at sa pamamagitan ng ihinabilin Niya sa iyo na pag-aalis ng parusa sa pamamagitan ng pagbabalik-loob, na alisin Niya sa amin ang tumama sa amin na parusa. Kaya kung aalisin Niya sa amin iyon ay talagang sasampalataya nga kami sa iyo, talagang magpapadala nga Kami kasama sa iyo ng mga anak ni Israel, at magpapalaya kami sa kanila."