×
الأعرافAyah 141

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذْ أَنجَيْنَـٰكُم مِّنْ ءَالِ فِرْعَوْنَ يَسُومُونَكُمْ سُوٓءَ ٱلْعَذَابِ ۖ يُقَتِّلُونَ أَبْنَآءَكُمْ وَيَسْتَحْيُونَ نِسَآءَكُمْ ۚ وَفِى ذَٰلِكُم بَلَآءٌ مِّن رَّبِّكُمْ عَظِيمٌ ﴿١٤١﴾

Banggitin, O mga anak ni Israel, nang pinaligtas Namin kayo sa pamamagitan ng pagsagip sa inyo mula sa pang-aaba ni Paraon at ng mga tao niya sa inyo yayamang sila noon ay nagpapalasap sa inyo ng mga uri ng kahamakan gaya ng pagpapatay sa mga lalaking anak ninyo at pagpapamuhay sa mga babae ninyo para maglingkod. Sa pagsagip sa inyo mula kay Paraon at sa mga tao niya ay may isang pagsusulit na sukdulan mula sa Panginoon ninyo, na humihiling mula sa inyo ng pagpapasalamat.