×
الأعرافAyah 145

Tafsir Al-Mukhtasar

وَكَتَبْنَا لَهُۥ فِى ٱلْأَلْوَاحِ مِن كُلِّ شَىْءٍ مَّوْعِظَةً وَتَفْصِيلًا لِّكُلِّ شَىْءٍ فَخُذْهَا بِقُوَّةٍ وَأْمُرْ قَوْمَكَ يَأْخُذُوا۟ بِأَحْسَنِهَا ۚ سَأُو۟رِيكُمْ دَارَ ٱلْفَـٰسِقِينَ ﴿١٤٥﴾

Nagsulat Kami para kay Moises sa mga tablerong yari sa kahoy o iba pa rito ng bawat kakailanganin ng mga anak ni Israel mula sa mga nauukol sa panrelihiyong buhay nila at pangmundong buhay nila bilang pangaral para sa sinumang napangangaralan kabilang sa kanila at bilang pagdedetalye sa mga patakarang nangangailangan ng pagdedetalye. Kaya kunin mo ang Torah na ito, O Moises, nang may pagkaseryoso at pagsisikhay. Ipag-utos mo sa mga kalipi mo, ang mga anak ni Israel, na kumuha sila ng pinakamaganda sa nasaad dito, na ang pabuya ay pinakadakila gaya ng paggawa sa ipinag-uutos sa pinakalubos na paraan gaya ng pagtitiis at pagpapaumanhin. Ipakikita Ko sa inyo ang kahihinatnan ng sinumang sumalungat sa utos Ko at lumabas sa pagtalima sa Akin, at ang hahantungan sa kanya na kapahamakan at pagkawasak.