×
الأعرافAyah 150

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَمَّا رَجَعَ مُوسَىٰٓ إِلَىٰ قَوْمِهِۦ غَضْبَـٰنَ أَسِفًا قَالَ بِئْسَمَا خَلَفْتُمُونِى مِنۢ بَعْدِىٓ ۖ أَعَجِلْتُمْ أَمْرَ رَبِّكُمْ ۖ وَأَلْقَى ٱلْأَلْوَاحَ وَأَخَذَ بِرَأْسِ أَخِيهِ يَجُرُّهُۥٓ إِلَيْهِ ۚ قَالَ ٱبْنَ أُمَّ إِنَّ ٱلْقَوْمَ ٱسْتَضْعَفُونِى وَكَادُوا۟ يَقْتُلُونَنِى فَلَا تُشْمِتْ بِىَ ٱلْأَعْدَآءَ وَلَا تَجْعَلْنِى مَعَ ٱلْقَوْمِ ٱلظَّـٰلِمِينَ ﴿١٥٠﴾

Noong nanumbalik si Moises sa mga tao niya mula sa pakikipagniig sa Panginoon niya, na napupuno sa kanila ng galit at lungkot dahil sa natagpuan niya sa kanila na pagsamba sa guya, ay nagsabi siya: "Sumaklap ang kalagayang ipinanghalili ninyo sa akin, O mga kalipi, matapos ng pag-alis ko sa inyo dahil sa ipahahantong nito na kapahamakan at kalumbayan. Nagsawa ba kayo sa paghihintay sa akin kaya nangahas kayo ng pagsamba sa guya?" Ibinato niya ang mga tablero dahil sa tindi ng dumapo sa kanya na galit at lungkot. Humawak siya sa ulo ng kapatid niyang si Aaron at sa balbas nito, habang hinihila ito papunta sa kanya dahil sa pananatili nito sa kanila at hindi pagpapabago nito sa nakita nito sa kanila na pagsamba sa guya. Nagsabi si Aaron habang humihingi ng paumanhin kay Moises habang nagsusumamo rito: "O anak ng ina ko, tunay na ang mga tao ay nagpalagay sa akin na mahina kaya nagturing sila sa akin na kaaba-aba. Muntik na silang pumatay sa akin. Kaya huwag kang magparusa sa akin ng isang kaparusahang magpapagalak sa mga kaaway ko. Huwag kang gumawa sa akin, dahilan sa galit mo sa akin, na mapabilang sa mga tagalabag sa katarungan kabilang sa mga tao dahilan sa pagsamba nila sa iba pa kay Allāh."