×
الأعرافAyah 154

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَمَّا سَكَتَ عَن مُّوسَى ٱلْغَضَبُ أَخَذَ ٱلْأَلْوَاحَ ۖ وَفِى نُسْخَتِهَا هُدًى وَرَحْمَةٌ لِّلَّذِينَ هُمْ لِرَبِّهِمْ يَرْهَبُونَ ﴿١٥٤﴾

Noong tumahan kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ang galit at napayapa siya, kinuha niya ang mga tablerong itinapon niya dahilan sa galit. Ang mga tablerong ito ay naglalaman ng kapatnubayan laban sa pagkaligaw at ng paglilinaw sa katotohanan, at naglalaman ng awa para sa mga natatakot sa Panginoon nila at nangangamba sa parusa Niya.