×
الأعرافAyah 171

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذْ نَتَقْنَا ٱلْجَبَلَ فَوْقَهُمْ كَأَنَّهُۥ ظُلَّةٌ وَظَنُّوٓا۟ أَنَّهُۥ وَاقِعٌۢ بِهِمْ خُذُوا۟ مَآ ءَاتَيْنَـٰكُم بِقُوَّةٍ وَٱذْكُرُوا۟ مَا فِيهِ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ ﴿١٧١﴾

Banggitin mo, O Muḥammad, noong binunot Namin ang bundok saka inangat Namin ito sa ibabaw ng mga anak ni Israel noong tumanggi sila sa pagtanggap ng nasa Torah, kaya ang bundok ay naging para bang isang ulap na lumilim sa mga ulo nila, at nakatiyak sila na ito ay babagsak sa kanila. Sinabi sa kanila: "Kunin ninyo ang ibinigay Namin sa inyo nang may kaseryosohan at determinasyon at isaalaala ninyo ang nariyan na mga patakarang isinabatas ni Allāh para sa inyo at huwag ninyong kalimutan, sa pag-asang mangilag kayong magkasala kay Allāh kapag nagsagawa kayo niyon."