×
الأعرافAyah 176

Tafsir Al-Mukhtasar

وَلَوْ شِئْنَا لَرَفَعْنَـٰهُ بِهَا وَلَـٰكِنَّهُۥٓ أَخْلَدَ إِلَى ٱلْأَرْضِ وَٱتَّبَعَ هَوَىٰهُ ۚ فَمَثَلُهُۥ كَمَثَلِ ٱلْكَلْبِ إِن تَحْمِلْ عَلَيْهِ يَلْهَثْ أَوْ تَتْرُكْهُ يَلْهَث ۚ ذَّٰلِكَ مَثَلُ ٱلْقَوْمِ ٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَـٰتِنَا ۚ فَٱقْصُصِ ٱلْقَصَصَ لَعَلَّهُمْ يَتَفَكَّرُونَ ﴿١٧٦﴾

Kung sakaling niloob Namin ang pagpapakinabang sa kanya sa pamamagitan mga tandang ito ay talaga sanang nag-angat Kami sa kanya dahil sa mga ito sa pamamagitan ng pagtutuon Namin sa kanya sa paggawa ayon sa mga ito, kaya aangat siya sa Mundo at Kabilang-buhay. Subalit siya ay pumili sa nagpapahantong sa pagtatatwa sa kanya nang nahilig siya sa mga ninanasa sa Mundo, habang nagtatangi sa Mundo niya higit sa Kabilang-buhay niya. Sumunod siya sa pinipithaya ng sarili niya na kawalang-kabuluhan. Kaya ang paghahalintulad sa kanya sa katindihan ng pagkasigasig sa kamunduhan ay kahalintulad ng aso. Hindi ito tumitigil sa paglawit-lawit ng dila sa bawat sandali. Kung ito ay nakadapa, naglalawit-lawit ng dila ito. Kung binugaw ito, naglalawit-lawit ng dila ito. Ang paghahalintulad na nabanggit na iyon ay ang paghahalintulad sa mga taong naliligaw dahil sa pagpapasinungaling nila sa mga tanda Namin. Kaya magsalaysay ka, O Sugo, ng mga kasaysayan sa kanila, sa pag-asang mag-isip-isip sila para mapigilan sila sa taglay nila na pagpapasinungaling at pagkaligaw.