×
الأعرافAyah 198

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِن تَدْعُوهُمْ إِلَى ٱلْهُدَىٰ لَا يَسْمَعُوا۟ ۖ وَتَرَىٰهُمْ يَنظُرُونَ إِلَيْكَ وَهُمْ لَا يُبْصِرُونَ ﴿١٩٨﴾

Kung mag-aanyaya kayo, O mga tagapagtambal, sa mga anito ninyo na sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh, tungo sa pagpapakatuwid ay hindi sila makaririnig sa paanyaya ninyo. Nakakikita ka sa kanila na humaharap sa iyo nang may mga matang iginuhit, na mga walang-buhay na hindi nakakikita, sapagkat sila nga noon ay niyayari bilang mga rebulto ayon sa anyo ng mga anak ni Adan o ng mga hayop. Ang mga ito ay may mga kamay, mga paa, at mga mata, subalit ang mga ito ay walang-kaluluwa, na walang buhay at walang pagkilos.