×
الأعرافAyah 2

Tafsir Al-Mukhtasar

كِتَـٰبٌ أُنزِلَ إِلَيْكَ فَلَا يَكُن فِى صَدْرِكَ حَرَجٌ مِّنْهُ لِتُنذِرَ بِهِۦ وَذِكْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ ﴿٢﴾

Ang Marangal na Qur'ān ay isang Aklat na pinababa ni Allāh sa iyo, O Sugo, kaya huwag magkaroon sa dibdib mo ng paninikip ni duda. Nagpababa Siya nito sa iyo upang magpangamba ka sa pamamagitan nito sa mga tao at maglahad ka sa pamamagitan nito ng katwiran, at upang magpaalaala ka sa pamamagitan nito sa mga mananampalataya sapagkat sila ay makikinabang sa paalaala.