×
الأعرافAyah 203

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذَا لَمْ تَأْتِهِم بِـَٔايَةٍ قَالُوا۟ لَوْلَا ٱجْتَبَيْتَهَا ۚ قُلْ إِنَّمَآ أَتَّبِعُ مَا يُوحَىٰٓ إِلَىَّ مِن رَّبِّى ۚ هَـٰذَا بَصَآئِرُ مِن رَّبِّكُمْ وَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِّقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ ﴿٢٠٣﴾

Kapag naghatid ka, O Sugo, ng isang tanda ay nagpapasinungaling sila sa iyo at umaayaw roon. Kung hindi ka naglahad sa kanila ng isang tanda ay magsasabi sila: "Bakit kasi hindi ka umimbento ng isang talata mula sa ganang iyo at lumikha-likha nito." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi ukol sa akin na maglahad ng isang talata mula sa pagkukusa ng sarili ko at wala akong sinusunod kundi ang ikinakasi ni Allāh sa akin, itong Qur'ān na binibigkas ko sa inyo bilang mga katwiran at mga patotoo mula kay Allāh, ang Tagalikha ninyo at ang Tagapangasiwa ng mga kapakanan ninyo, at bilang paggagabay at awa para sa mga mananampalataya kabilang sa mga lingkod Niya. Tungkol naman sa mga hindi mananampalataya naman, sila ay mga ligaw at mga miserable."