Tafsir Al-Mukhtasar
يَـٰبَنِىٓ ءَادَمَ إِمَّا يَأْتِيَنَّكُمْ رُسُلٌ مِّنكُمْ يَقُصُّونَ عَلَيْكُمْ ءَايَـٰتِى ۙ فَمَنِ ٱتَّقَىٰ وَأَصْلَحَ فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ ﴿٣٥﴾
O mga anak ni Adan, kapag may dumating sa inyo na mga sugo mula sa Akin kabilang sa mga tao ninyo, na bumibigkas sa inyo ng pinababa Ko sa kanila na mga kasulatan Ko, tumalima kayo sa kanila at sumunod kayo sa inihatid nila sapagkat ang mga nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya at nagsasaayos ng mga gawain nila ay walang pangamba sa kanila sa Araw ng Pagbangon ni sila ay malulungkot sa nakaalpas sa kanila na mga bahagi sa Mundo.