Tafsir Al-Mukhtasar
وَنَادَىٰٓ أَصْحَـٰبُ ٱلْجَنَّةِ أَصْحَـٰبَ ٱلنَّارِ أَن قَدْ وَجَدْنَا مَا وَعَدَنَا رَبُّنَا حَقًّا فَهَلْ وَجَدتُّم مَّا وَعَدَ رَبُّكُمْ حَقًّا ۖ قَالُوا۟ نَعَمْ ۚ فَأَذَّنَ مُؤَذِّنٌۢ بَيْنَهُمْ أَن لَّعْنَةُ ٱللَّهِ عَلَى ٱلظَّـٰلِمِينَ ﴿٤٤﴾
Mananawagan ang mga maninirahan sa Paraiso, na mga mamamalagi roon, sa mga maninirahan sa Apoy, na mga mamamalagi roon, matapos ng pagpasok ng bawat isa sa dalawang pangkat sa tahanan nitong inihanda para rito: "Tunay na kami ay nakipagharap nga sa ipinangako sa amin ng Panginoon namin na Paraiso, na nagaganap na naisasakatuparan, saka nagpapasok Siya sa amin dito. Kaya nakipagharap ba kayo, O mga tagatangging sumampalataya, sa ibinanta sa inyo ng Panginoon ninyo na Impiyerno, na nagaganap na naisasakatuparan?" Magsasabi ang mga tagatangging sumampalataya: "Talaga ngang nakatagpo Kami sa ibinanta Niya sa amin na Impiyerno bilang totoo." Kaya may mananawagan na isang tagapanawagang dumadalangin kay Allāh na itaboy ang mga tagalabag sa katarungan mula sa awa Niya sapagkat nagbukas na Siya para sa kanila ng mga pinto ng awa ngunit umayaw pa sila sa mga ito sa buhay na pangmundo.