×
الأعرافAyah 55

Tafsir Al-Mukhtasar

ٱدْعُوا۟ رَبَّكُمْ تَضَرُّعًا وَخُفْيَةً ۚ إِنَّهُۥ لَا يُحِبُّ ٱلْمُعْتَدِينَ ﴿٥٥﴾

Manalangin kayo, O mga mananampalataya, sa Panginoon ninyo nang may pagpapakaabang lubusan at pagpapakumbabang pakubli at palihim, habang mga nagpapakawagas sa pagdalangin, na hindi mga nagpapakitang-tao ni mga nagtatambal sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – sa iba pa sa Kanya sa pagdalangin. Tunay na Siya ay hindi umiibig sa mga lumalampas sa mga hangganan Niya sa pagdalangin. Kabilang sa pinakamabigat na paglampas sa mga hangganan Niya sa pagdalangin ay ang pagdalangin sa iba pa sa Kanya kasama sa Kanya gaya ng ginagawa ng mga tagapagtambal.