×
الأعرافAyah 57

Tafsir Al-Mukhtasar

وَهُوَ ٱلَّذِى يُرْسِلُ ٱلرِّيَـٰحَ بُشْرًۢا بَيْنَ يَدَىْ رَحْمَتِهِۦ ۖ حَتَّىٰٓ إِذَآ أَقَلَّتْ سَحَابًا ثِقَالًا سُقْنَـٰهُ لِبَلَدٍ مَّيِّتٍ فَأَنزَلْنَا بِهِ ٱلْمَآءَ فَأَخْرَجْنَا بِهِۦ مِن كُلِّ ٱلثَّمَرَٰتِ ۚ كَذَٰلِكَ نُخْرِجُ ٱلْمَوْتَىٰ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ ﴿٥٧﴾

Si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang nagsusugo ng mga hangin bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak na ulan, na hanggang sa nang nagdala ang mga hangin ng mga ulap na pinabigat ng tubig ay umakay Siya sa mga ulap tungo sa isang bayang tuyot at nagpababa Siya sa bayan ng tubig kaya nagpalabas Siya sa pamamagitan ng tubig ng lahat ng mga uri ng mga bunga. Tulad ng pagpapalabas ng bunga, ayon sa anyong iyon magpapalabas Siya ng mga patay mula sa mga puntod nila bilang mga buhay. Ginawa Niya iyon sa pag-asang kayo, O mga tao, ay magsasaalaala sa kakayahan Niya at kahanga-hanga sa pagkakayari Niya, at na Siya ay nakakakaya sa pagbibigay-buhay sa mga patay.