×
الأعرافAyah 76

Tafsir Al-Mukhtasar

قَالَ ٱلَّذِينَ ٱسْتَكْبَرُوٓا۟ إِنَّا بِٱلَّذِىٓ ءَامَنتُم بِهِۦ كَـٰفِرُونَ ﴿٧٦﴾

Nagsabi ang mga tagapagmataas kabilang sa mga kalipi niya: "Tunay na kami sa pinaniwalaan ninyo, O mga mananampalataya, ay mga tagatangging sumampalataya, kaya hindi kami sasampalataya sa kanya at hindi kami gagawa ayon sa batas niya."