×
الأعرافAyah 85

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِلَىٰ مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًا ۗ قَالَ يَـٰقَوْمِ ٱعْبُدُوا۟ ٱللَّهَ مَا لَكُم مِّنْ إِلَـٰهٍ غَيْرُهُۥ ۖ قَدْ جَآءَتْكُم بَيِّنَةٌ مِّن رَّبِّكُمْ ۖ فَأَوْفُوا۟ ٱلْكَيْلَ وَٱلْمِيزَانَ وَلَا تَبْخَسُوا۟ ٱلنَّاسَ أَشْيَآءَهُمْ وَلَا تُفْسِدُوا۟ فِى ٱلْأَرْضِ بَعْدَ إِصْلَـٰحِهَا ۚ ذَٰلِكُمْ خَيْرٌ لَّكُمْ إِن كُنتُم مُّؤْمِنِينَ ﴿٨٥﴾

Talaga ngang nagsugo si Allāh sa lipi ng Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – kaya nagsabi ito sa kanila: "O mga kalipi, sumamba kayo kay Allāh lamang walang ukol sa inyo na isang sinasamba, na nagiging karapat-dapat sa pagsamba, na iba pa sa Kanya. May dumating nga sa inyo na isang maliwanag na patotoo mula kay Allāh at isang hayag na patunay sa katapatan ng inihatid ko sa inyo mula sa Panginoon ko. Gampanan ninyo sa mga tao ang mga karapatan nila sa pamamagitan ng pagkumpleto sa pagtatakal at pagkumpleto sa pagtitimbang. Huwag kayong bumawas sa mga tao dahil sa kapintasan ng mga paninda sa kanila at pagpapakaunti sa mga ito, o pandaraya sa mga mamimili ng mga ito. Huwag kayong manggulo sa lupa sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway matapos ng pagsasaayos nito sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga propeta noon. Ang nabanggit na iyon ay higit na mabuti para sa inyo at higit na kapaki-pakinabang, kung kayo ay mga mananampalataya, dahil sa nakasaad doon na pag-iwan sa mga pagsuway bilang pag-iwas sa sinasaway ni Allāh at dahil sa nakasaad doon na pagpapakalapit-loob kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa sa anumang ipinag-utos Niya.