×
الجنAyah 13

Tafsir Al-Mukhtasar

وَأَنَّا لَمَّا سَمِعْنَا ٱلْهُدَىٰٓ ءَامَنَّا بِهِۦ ۖ فَمَن يُؤْمِنۢ بِرَبِّهِۦ فَلَا يَخَافُ بَخْسًا وَلَا رَهَقًا ﴿١٣﴾

Na kami, noong nakarinig kami sa Qur'ān na nagpapatnubay sa siyang pinakaangkop, ay sumampalataya rito; saka ang sinumang sumampalataya sa Panginoon niya ay hindi mangangamba ng isang kakulangan para sa mga magandang gawa niya ni ng isang kasalanan na idadagdag sa mga kasalanan niyang nauna.