×
الجنAyah 24

Tafsir Al-Mukhtasar

حَتَّىٰٓ إِذَا رَأَوْا۟ مَا يُوعَدُونَ فَسَيَعْلَمُونَ مَنْ أَضْعَفُ نَاصِرًا وَأَقَلُّ عَدَدًا ﴿٢٤﴾

Hindi titigil ang mga tagatangging sumampalataya sa kawalang-pananampalataya nila hanggang sa kapag nakita nila sa Araw ng Pagbangon ang ipinangako dati sa kanila sa Mundo na pagdurusa. Sa sandaling iyon ay makaaalam sila kung sino ang higit na mahina sa tagapag-adya at makaaalam sila kung sino ang higit na kaunti sa mga tagatulong.