×
يونسAyah 25

Tafsir Al-Mukhtasar

وَٱللَّهُ يَدْعُوٓا۟ إِلَىٰ دَارِ ٱلسَّلَـٰمِ وَيَهْدِى مَن يَشَآءُ إِلَىٰ صِرَٰطٍ مُّسْتَقِيمٍ ﴿٢٥﴾

Si Allāh ay nag-aanyaya sa lahat ng mga tao tungo sa Paraiso Niya, na siyang Tahanan ng Kapayapaan. Maliligtas doon ang mga tao sa mga sakuna at mga alalahanin, at maliligtas sila mula sa kamatayan. Si Allāh ay nagtutuon sa sinumang niloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya tungo sa Relihiyon ng Islām na nagpaparating sa Tahanang ito ng Kapayapaan.