Tafsir Al-Mukhtasar
لِّلَّذِينَ أَحْسَنُوا۟ ٱلْحُسْنَىٰ وَزِيَادَةٌ ۖ وَلَا يَرْهَقُ وُجُوهَهُمْ قَتَرٌ وَلَا ذِلَّةٌ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ أَصْحَـٰبُ ٱلْجَنَّةِ ۖ هُمْ فِيهَا خَـٰلِدُونَ ﴿٢٦﴾
Ukol sa mga gumawa ng maganda sa pagsasagawa sa isinatungkulin ni Allāh sa kanila na mga pagtalima at pag-iwan sa ipinagbawal Niya sa kanila na mga pagsuway ay ang gantimpalang pinakamaganda, ang Paraiso. May ukol din sa kanila na isang karagdagan doon: ang pagtingin sa marangal na mukha ni Allāh. Walang tatakip sa mga mukha nila na alikabok at walang tatakip sa mga ito na isang pagkahamak at isang kahihiyan. Ang mga nailalarawang iyon sa paggawa ng maganda ay ang mga maninirahan sa Paraiso. Sila ay doon mga mamamalagi.