Tafsir Al-Mukhtasar
وَٱلَّذِينَ كَسَبُوا۟ ٱلسَّيِّـَٔاتِ جَزَآءُ سَيِّئَةٍۭ بِمِثْلِهَا وَتَرْهَقُهُمْ ذِلَّةٌ ۖ مَّا لَهُم مِّنَ ٱللَّهِ مِنْ عَاصِمٍ ۖ كَأَنَّمَآ أُغْشِيَتْ وُجُوهُهُمْ قِطَعًا مِّنَ ٱلَّيْلِ مُظْلِمًا ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ أَصْحَـٰبُ ٱلنَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَـٰلِدُونَ ﴿٢٧﴾
Ang mga gumawa ng mga masagwang gawa kabilang sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway ay ukol sa kanila ang ganti sa masagwang gawa na ginawa nila katumbas sa tulad nito na parusa ni Allāh sa Kabilang-buhay. May tatakip sa mga mukha nila na isang kaabahan at isang pagkahamak. Hindi sila magkakaroon ng isang tagapagtanggol na magtatanggol sa kanila laban sa pagdurusang dulot ni Allāh kapag ibinaba Niya ito sa kanila. Para bang dinamitan ang mga mukha nila ng kaitiman mula sa gabing pinadilim dahil sa dami ng pagtatakip nito ng usok ng Apoy at kaitiman nito. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy. Sila ay doon mga mamamalagi magpakailanman.