×
يونسAyah 63

Tafsir Al-Mukhtasar

ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَكَانُوا۟ يَتَّقُونَ ﴿٦٣﴾

Ang mga katangkilik na ito ay ang mga nailalarawang nagtataglay noon ng pananampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at sila noon ay nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.