Tafsir Al-Mukhtasar
لَهُمُ ٱلْبُشْرَىٰ فِى ٱلْحَيَوٰةِ ٱلدُّنْيَا وَفِى ٱلْـَٔاخِرَةِ ۚ لَا تَبْدِيلَ لِكَلِمَـٰتِ ٱللَّهِ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلْفَوْزُ ٱلْعَظِيمُ ﴿٦٤﴾
Ukol sa kanila ang nakagagalak na balita mula sa Panginoon nila sa Mundo sa pamamagitan ng nagpapatuwa sa kanila dahil sa mabuting panaginip o pagbubunyi ng mga tao sa kanila. Ukol sa kanila ang nakagagalak na balita mula sa mga anghel sa sandali ng pagkuha sa mga kaluluwa nila, matapos ng kamatayan, at sa pagkalap [sa kanila sa Kabilang-buhay]. Walang pagpapaiba sa ipinangako sa kanila ni Allāh. Ang ganting iyon ay ang tagumpay na sukdulan dahil sa dulot nito na pagtamo ng hinihiling at kaligtasan sa pinangingilabutan.