Tafsir Al-Mukhtasar
يَـٰبَنِىَّ ٱذْهَبُوا۟ فَتَحَسَّسُوا۟ مِن يُوسُفَ وَأَخِيهِ وَلَا تَا۟يْـَٔسُوا۟ مِن رَّوْحِ ٱللَّهِ ۖ إِنَّهُۥ لَا يَا۟يْـَٔسُ مِن رَّوْحِ ٱللَّهِ إِلَّا ٱلْقَوْمُ ٱلْكَـٰفِرُونَ ﴿٨٧﴾
Nagsabi sa kanila ang ama nila: "O mga anak ko, umalis kayo saka umalam kayo ng mga ulat hinggil kay Jose at sa kapatid niya. Huwag kayong mawalan ng pag-asa sa pagpapaginhawa ni Allāh at pag-aaliw Niya sa mga lingkod Niya; tunay na walang nawawalan ng pag-asa sa pagpapaginhawa Niya at pag-aaliw Niya kundi ang mga taong tagatangging sumampalataya dahil sila ay hindi nakababatid sa pagkadakila ng kakayahan Niya at pagkakubli ng pagmamabuting-loob Niya sa mga lingkod Niya."