Tafsir Al-Mukhtasar
فَلَمَّا دَخَلُوا۟ عَلَيْهِ قَالُوا۟ يَـٰٓأَيُّهَا ٱلْعَزِيزُ مَسَّنَا وَأَهْلَنَا ٱلضُّرُّ وَجِئْنَا بِبِضَـٰعَةٍ مُّزْجَىٰةٍ فَأَوْفِ لَنَا ٱلْكَيْلَ وَتَصَدَّقْ عَلَيْنَآ ۖ إِنَّ ٱللَّهَ يَجْزِى ٱلْمُتَصَدِّقِينَ ﴿٨٨﴾
Kaya sumunod sila sa utos ng ama nila at umalis sila para maghanap kay Jose at sa kapatid niya. Kaya noong nakapasok sila kay Jose ay nagsabi sila: "Dumapo sa amin ang kagipitan at ang karalitaan. Nagdala kami ng panindang hamak na kakarampot, ngunit magtakal ka po para sa amin ng pagtatakal na lubus-lubos gaya ng pagtatakal mo noon para sa amin bago pa nito. Magkawanggawa ka po sa amin sa pamamagitan ng pagdaragdag doon o pagpipikit-mata sa [kalidad ng] paninda naming hamak; tunay na si Allāh ay gumaganti sa mga tagapagkawanggawa ayon sa pinakamagandang ganti."