×
البقرةAyah 105

Tafsir Al-Mukhtasar

مَّا يَوَدُّ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مِنْ أَهْلِ ٱلْكِتَـٰبِ وَلَا ٱلْمُشْرِكِينَ أَن يُنَزَّلَ عَلَيْكُم مِّنْ خَيْرٍ مِّن رَّبِّكُمْ ۗ وَٱللَّهُ يَخْتَصُّ بِرَحْمَتِهِۦ مَن يَشَآءُ ۚ وَٱللَّهُ ذُو ٱلْفَضْلِ ٱلْعَظِيمِ ﴿١٠٥﴾

Hindi iniibig ng mga tagatangging sumampalataya – maging alin man sila: mga May Kasulatan o mga tagapagtambal – na may ibaba sa inyo na alinmang mabuti mula sa Panginoon ninyo, marami man o kaunti, samantalang si Allāh ay nagtatangi ng awa Niya na pagkapropeta, pagkakasi, at pananampalataya, sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Si Allāh ay may-ari ng kabutihang-loob na sukdulan, kaya walang kabutihang nakakamit ng isa sa mga nilikha malibang mula sa Kanya. Bahagi ng kabutihang-loob Niya ang pagpapadala sa Sugo at ang pagpapababa ng kasulatan.