Tafsir Al-Mukhtasar
مَا نَنسَخْ مِنْ ءَايَةٍ أَوْ نُنسِهَا نَأْتِ بِخَيْرٍ مِّنْهَآ أَوْ مِثْلِهَآ ۗ أَلَمْ تَعْلَمْ أَنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَىْءٍ قَدِيرٌ ﴿١٠٦﴾
Naglilinaw si Allāh – pagkataas-taas Siya – na kapag nag-aalis Siya ng kahatulan ng isang talata mula sa Qur'ān o nag-aalis Siya ng isang pananalita nito at nalilimutan ito ng mga tao, tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nagdudulot ng higit na kapaki-pakinabang kaysa rito nang maaga o huli, o ng nakatutulad dito. Iyon ay ayon sa kaalaman ni Allāh at karunungan Niya. Ikaw ay nakaaalam, O Propeta, na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan, kaya gumagawa Siya ng niloob Niya at humahatol Siya ng ninanais Niya.