Tafsir Al-Mukhtasar
فَأَمَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ وَعَمِلُوا۟ ٱلصَّـٰلِحَـٰتِ فَيُدْخِلُهُمْ رَبُّهُمْ فِى رَحْمَتِهِۦ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ ٱلْفَوْزُ ٱلْمُبِينُ ﴿٣٠﴾
Kaya tungkol sa mga sumampalataya at gumawa ng mga gawang maayos, magpapapasok sa kanila ang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya – sa Paraiso Niya dahil sa awa Niya. Ang pagganting iyon na ibibigay sa kanila ni Allāh ay ang pagkatamong maliwanag na hindi natutumbasan ng isang pagkatamo.