Tafsir Al-Mukhtasar
وَأَمَّا ٱلَّذِينَ كَفَرُوٓا۟ أَفَلَمْ تَكُنْ ءَايَـٰتِى تُتْلَىٰ عَلَيْكُمْ فَٱسْتَكْبَرْتُمْ وَكُنتُمْ قَوْمًا مُّجْرِمِينَ ﴿٣١﴾
Tungkol naman sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh, sasabihin sa kanila bilang panunumbat sa kanila: "Hindi ba ang mga tanda Ko ay binibigkas sa inyo ngunit nagpakataas-taas kayo laban sa pananampalataya sa mga ito at kayo noon ay mga taong salarin, na nagkakamit ng kawalang-pananampalataya at mga kasalanan?