Tafsir Al-Mukhtasar
قُلْ يَـٰٓأَهْلَ ٱلْكِتَـٰبِ هَلْ تَنقِمُونَ مِنَّآ إِلَّآ أَنْ ءَامَنَّا بِٱللَّهِ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيْنَا وَمَآ أُنزِلَ مِن قَبْلُ وَأَنَّ أَكْثَرَكُمْ فَـٰسِقُونَ ﴿٥٩﴾
Sabihin mo, O Sugo, sa mga nangungutya kabilang sa mga May Kasulatan: "Namimintas kaya kayo sa amin maliban pa sa pananampalataya namin kay Allāh, sa pinababa sa amin, at sa pinababa sa mga nauna pa sa amin; at sa pananampalataya namin na ang higit na marami sa inyo ay mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh dahil sa pag-iwan ninyo sa pananampalataya at pagsunod sa mga ipinag-uutos? Kaya ang ipinipintas ninyo sa amin ay isang papuri para sa amin at hindi pamumula."