×
المائدةAyah 60

Tafsir Al-Mukhtasar

قُلْ هَلْ أُنَبِّئُكُم بِشَرٍّ مِّن ذَٰلِكَ مَثُوبَةً عِندَ ٱللَّهِ ۚ مَن لَّعَنَهُ ٱللَّهُ وَغَضِبَ عَلَيْهِ وَجَعَلَ مِنْهُمُ ٱلْقِرَدَةَ وَٱلْخَنَازِيرَ وَعَبَدَ ٱلطَّـٰغُوتَ ۚ أُو۟لَـٰٓئِكَ شَرٌّ مَّكَانًا وَأَضَلُّ عَن سَوَآءِ ٱلسَّبِيلِ ﴿٦٠﴾

Sabihin mo, O Sugo: "Magpapabatid kaya Ako sa inyo hinggil sa kung sino silang higit na karapat-dapat sa kapintasan at higit na matindi sa parusa kaysa sa mga ito? Tunay na sila ay ang mga ninuno nila na itinaboy ni Allāh mula sa awa Niya, kinagalitan Niya, at inanyuan Niya, matapos ng pagpapalit-anyo, bilang mga unggoy at mga baboy. Gumawa Siya mula sa kanila ng mga mananamba ng mapagmalabis. Ang mapagmalabis ay ang bawat sinumang sinasamba bukod pa kay Allāh nang nalulugod. Ang mga nabanggit na iyon ay higit na masama sa kalagayan sa Araw ng Pagbangon at higit na ligaw sa pagsisikap sa landas na tuwid."