Tafsir Al-Mukhtasar
وَإِذَا جَآءُوكُمْ قَالُوٓا۟ ءَامَنَّا وَقَد دَّخَلُوا۟ بِٱلْكُفْرِ وَهُمْ قَدْ خَرَجُوا۟ بِهِۦ ۚ وَٱللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا كَانُوا۟ يَكْتُمُونَ ﴿٦١﴾
Kapag dumating sa inyo, O mga mananampalataya, ang mga mapagpaimbabaw kabilang sa kanila ay naglalantad sila sa inyo ng pananampalataya bilang pagpapaimbabaw mula sa kanila. Ang reyalidad ay na sila sa sandali ng pagpasok nila at paglabas nila ay mga nababalutan ng kawalang-pananampalataya, na hindi sila nakakakalas dito. Si Allāh ay higit na maalam sa kinikimkim nila na kawalang-pananampalataya kahit naglantad sila sa inyo ng pananampalataya. Gaganti Siya sa kanila roon.