Tafsir Al-Mukhtasar
لَّا تُدْرِكُهُ ٱلْأَبْصَـٰرُ وَهُوَ يُدْرِكُ ٱلْأَبْصَـٰرَ ۖ وَهُوَ ٱللَّطِيفُ ٱلْخَبِيرُ ﴿١٠٣﴾
Hindi nakasasaklaw sa Kanya ang mga paningin samantalang Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nakaaabot sa mga paningin at nakasasaklaw sa mga ito. Siya ay ang Nakatatalos sa mga lingkod Niyang maayos, ang Mapagbatid sa kanila.