×
الأنعامAyah 104

Tafsir Al-Mukhtasar

قَدْ جَآءَكُم بَصَآئِرُ مِن رَّبِّكُمْ ۖ فَمَنْ أَبْصَرَ فَلِنَفْسِهِۦ ۖ وَمَنْ عَمِىَ فَعَلَيْهَا ۚ وَمَآ أَنَا۠ عَلَيْكُم بِحَفِيظٍ ﴿١٠٤﴾

May dumating nga sa inyo, O mga tao, na mga katwirang maliwanag at mga patotoong hayag mula sa Panginoon ninyo. Kaya naman ang sinumang nagpakaunawa at nagpahinuhod sa mga ito, ang pakinabang doon ay manunumbalik sa kanya; at ang sinumang nabulagan sa mga ito, hindi nagpakaunawa sa mga ito, at hindi nagpahinuhod sa mga ito, ang pinsala niyon ay nalilimitahan sa kanya. Hindi ako sa inyo isang mapagmasid, na umiisa-isa sa mga gawa ninyo. Ako ay isang sugo lamang mula sa Panginoon ko, ang Mapagmasid sa inyo.