Tafsir Al-Mukhtasar
وَٱلَّذِينَ كَذَّبُوا۟ بِـَٔايَـٰتِنَا صُمٌّ وَبُكْمٌ فِى ٱلظُّلُمَـٰتِ ۗ مَن يَشَإِ ٱللَّهُ يُضْلِلْهُ وَمَن يَشَأْ يَجْعَلْهُ عَلَىٰ صِرَٰطٍ مُّسْتَقِيمٍ ﴿٣٩﴾
Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin ay tulad ng mga bingi na hindi nakaririnig at mga pipi na hindi nagsasalita habang sila bukod pa roon ay nasa mga kadiliman na hindi nakakikita. Kaya paano para sa sinumang ito ang kalagayan niya na mapatnubayan? Ang sinumang loloobin ni Allāh ang pagliligaw rito kabilang sa mga tao ay magliligaw Siya rito. Ang sinumang loloobin Niya ang kapatnubayan dito ay magpapatnubay Siya rito sa pamamagitan ng paglalagay rito sa isang daang tuwid na walang kabaluktutan doon.