×
الأنعامAyah 40

Tafsir Al-Mukhtasar

قُلْ أَرَءَيْتَكُمْ إِنْ أَتَىٰكُمْ عَذَابُ ٱللَّهِ أَوْ أَتَتْكُمُ ٱلسَّاعَةُ أَغَيْرَ ٱللَّهِ تَدْعُونَ إِن كُنتُمْ صَـٰدِقِينَ ﴿٤٠﴾

Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin, kung may dumating sa inyo na isang parusa mula kay Allāh o dumating sa inyo ang Huling Sandali na pinangakuan kayo na ito ay darating, hihiling ba kayo sa sandaling iyon sa iba pa kay Allāh upang pawiin ang ibinaba sa inyo na pagsubok at kalamidad kung kayo ay mga tapat sa pag-aangkin na ang mga sinasamba ninyo ay nagdudulot ng pakinabang at nagtutulak ng pinsala?"