×
الأنعامAyah 83

Tafsir Al-Mukhtasar

وَتِلْكَ حُجَّتُنَآ ءَاتَيْنَـٰهَآ إِبْرَٰهِيمَ عَلَىٰ قَوْمِهِۦ ۚ نَرْفَعُ دَرَجَـٰتٍ مَّن نَّشَآءُ ۗ إِنَّ رَبَّكَ حَكِيمٌ عَلِيمٌ ﴿٨٣﴾

Ang katwirang iyon ay ang sabi niya: "Kaya alin sa dalawang pangkat ang higit na karapat-dapat sa katiwasayan," na nanaig si Abraham sa pamamagitan nito sa mga kalipi niya hanggang sa naputol ang katwiran nila. Ito ay katwiran Namin; nagtuon Kami sa kanya para mangatwiran sa mga kalipi niya sa pamamagitan nito at nagbigay Kami sa kanya nito. Nag-aangat Kami sa sinumang niloloob Namin mula sa mga lingkod namin sa mga antas sa Mundo at Kabilang-buhay. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya, Maalam sa mga lingkod Niya.